Hipag kinatay ng bayaw

Nagawang mapatay ng isang bayaw ang kanyang hipag na musikera makara­ang mawala sa sarili ang una at ataduhin ng saksak ang huli, kahapon ng ma­daling-araw sa Las Piñas City.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Perpetual Hospital bunga ng hindi mabilang na mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng kan­yang katawan ang bikti­mang si Maria Florencia  Tolentino, 56, musician, residente ng #08, 3rd St., Las Piñas Village, Pam­plona 3, ng na­banggit na lungsod.

Samantala, agad na­mang isinailalim sa psy­chia­tric examination ang suspect na kinilalang si Angelito San Miguel, 47, residente rin ng nabanggit na lugar.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, tinatayang pa­sado alas-12 nang mang­yari ang nasabing krimen sa loob mismo ng bahay ng biktima.

Bago naganap ang pana­­naksak sa biktima, unang naging balisa, hindi mapa­lagay ang suspect at walang humpay na nagwa­wala ito sa loob ng kanilang bahay.

Nabatid na magkasama sa iisang bahay ang biktima at suspect nang bigla umanong mawala sa ka­tinuan ang huli at maraming beses na pinag­sasaksak ang natutulog na hipag. Halos magkagutay-gutay naman at mawarak ang kata­wan ng biktima dahil sa gina­wang paulit-ulit na pananak­sak ng suspect sa katawan nito.

Matapos ang insidente ay agad namang nadakip ng mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP) 3 ang suspect at  inilagak ito sa bukod na de­tention cell para hindi na maka­panakit ng kapwa nito preso.

Show comments