^

Metro

Konstruksyon ng 13 pang QC building pinabibilisan

-

Pinamamadali ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte Jr. ang pagpapagawa ng 13 school building upang masigu­rong sapat ang mga silid-aralan para sa mga estud­yante sa pampublikong paara­lan sa darating na pasukan.

Sa sandaling matapos ang mga ito, magiging 215 na ang kabuuan ng mga gusaling pam­­paaralan ang mga pam­pub­likong paaralan ng lungsod.

Sa pinamamadaling 13 school building, walo sa mga ito ang magiging silungan ng mga mag-aaral sa Tandang Sora Elementary School, Diosdado Macapagal Elemen­tary School, Culiat Elementary School, Payatas Elementary School, Holy Spirit Elementary School, Quirino Elementary School, Mines Elementary at Esteban Abada Elementary School.

Samantala, para naman sa high school level, kasaluku­yang ginagawa ang karagda­gang silid-aralan para sa mga estudyante ng Batasan Hills National High School, Ramon Magsaysay High School, Bagong Silang High School, San Francisco High School at Camp Aguinaldo High School.

Ayon sa mga opisyal ng paaralan, nangangailangan ang mga estudyante ng lung­sod ng may kabuuang 18 na silid-aralan ngayong pasu­kan upang maging kompor­table ang pag-aaral ng mga bata sa 42-pampublikong sekondarya at 97 elementarya ng lungsod.

Sinabi ni Division of City School Superintendent Dr. Victoria Q. Fuentes na mas ma­rami pang mag-aaral ang ina­asahang dadagsa sa mga pam­publikong paaralan dahil sa mga estudyante na lilipat mula sa pribadong eskuwelahan.

Mula Hulyo 2001 hang­gang 2007, may kabuuang 87 school building ang pinondo­hang maitayo ng pamahala­ang lungsod. Sa bilang na 87, may 63 school building na ang natapos at kasalukuyang ginagamit ng mga mag-aaral ng lungsod. Ang bilang ay bumubuo sa 1,211 na bagong silid-aralan para sa mga estudyante sa pampublikong paaralan.

Sa Distrito II na tinitirahan ng nakararaming mahihirap, ang nabigyan ng malaking bahagi sa mga pinatayong school building na may ka­buuang 50.

BAGONG SILANG HIGH SCHOOL

BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL

CAMP AGUINALDO HIGH SCHOOL

CULIAT ELEMENTARY SCHOOL

SCHOOL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with