^

Metro

2 niratrat sa bilyaran

-

Patay ang isang binata habang kritikal naman ang isa pa matapos na pagbabarilin ng isang hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng isang bilyaran, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City. Nakilala ang nasawi na si Lawrence Anthony Jimenez, 27, sanhi ng tinamong mga  tama ng bala sa katawan, habang isinugod naman sa Quirino Memorial Medical Center ang isa pang biktima na si Reno Balanban, residente ng San Juan City.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang pamamaril dakong alas-4 ng madaling-araw sa loob ng Alicia’s billiard hall sa Pinatubo St., ng naturang lungsod. Nabatid na naglalaro ang dalawa ng bilyar nang sumulpot ang isang hindi nakilalang lalaki, naglabas ng baril at walang sabi-sabing pinaputukan ang dalawang biktima bago mabilis na tumakas. Blangko ngayon ang pulisya sa motibo ng naturang pamamaslang habang kumukuha pa ng mga saksi sa naturang krimen upang makilala ito.  Inaalam rin ng mga awtoridad ang background  ng mga biktima upang mabatid ang posibleng dahilan ng naturang krimen. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ALICIA

DANILO GARCIA

LAWRENCE ANTHONY JIMENEZ

PINATUBO ST.

PLACENAME

QUEZON CITY

RENO BALANBAN

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with