^

Metro

4,000 pulis idideploy sa pasukan

- Joy Cantos -

All sets go!

Aabot sa mahigit 4,000 pulis ang idedeploy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga crime prone areas sa bisinidad na malapit sa mga esku­welahan kaugnay ng pagbubukas ng klase .

Sinabi ni NCRPO Chief Director Geary Barias na handang-handa na ang kanilang mga ta­uhan sa ipatu­tupad na seguridad upang panga­lagaan ang kaligtasan ng milyong estudyante na dadagsa sa mga pa­aralan sa Metro Manila.

Partikular na ipaka­kalat ang mga pulis sa kahabaan ng CM Recto na kinaroroonan ng uni­versity belt,  Taft Avenue, Quezon City area, at iba pang lugar na madalas pangyarihan ng krimen kung saan ang kadala­sang mga biktima ay mga estudyante.

Kasabay nito, nagpa­ka­lat na rin ng safety tips ang PNP para makaiwas ang mga estudyante sa pambibiktima ng mga masasamang elemento.

Kabilang dito ay ang iwasan ang paglalakad ng nag-iisa lalo na sa madidilim na lugar,  

Kaugnay nito, mahig­pit ding tututukan ng NCRPO ang bisinidad ng mga eskuwelahan laban sa masasamang ele­mento tulad ng mga drug trafficker, pickpockets, holdaper at iba pa  na maaring mambiktima ng mga estudyante.

Samantala,  makiki­pag-ugnayan rin ang NCRPO sa tanggapan ng Metro  Manila Develop­ment Authority (MMDA) upang maiwasan ang inaasahang malalang daloy ng trapiko.

CHIEF DIRECTOR GEARY BARIAS

MANILA DEVELOP

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with