^

Metro

5 MPD cops  sa ‘kotong’, itatapon sa Mindanao

-

Tuluyan nang ipata­tapon  sa Minda­nao ang limang pulis Maynila ma­kara­ang masibak sa ka­nilang puwesto sa MPD  dahil sa pangongotong at pagna­nakaw sa isang Chef ng isang hotel sa Malate, Maynila.

Ayon kay Supt Elea­zar Mata, Hepe ng Manila Police District (MPD)-General Assignment Sec­tion (GAS), ididestino sa Autonomous Region in Muslim Min­danao (ARMM) at Provincial Regional Office (PRO) 9 (Zam­boanga City) sina Senior Inspector  Rolando Men­doza; Ins­pector Nelson Lagasca; SPO1 Nestor David; PO3 Wilson Ga­vino at PO2 Roderick Lo­pena pawang naka­talaga sa MPD-District Mobile Force Unit (DMFU) ma­ka­raang irek­lamo ni Christian Ka­law, 30, Chef ng Mandarin Hotel at residente ng 188 P. Torres St., Lipa City  

Magugunitang si Ka­law ay sinita umano  ng mga pulis habang naka­parada ang kanyang kotse dakong alas-10:30 ng gabi noong May 9, 2008 sa  kanto ng Vito Cruz St. at Taft Ave., Manila. Inakusahan din ang biktima na guma­gamit ng ipinagbabawal na ga­mot at kinuha ang P3,000 cash na naka­lagay sa ash­tray ng kanyang sasakyan.  Ma­tapos na walang maku­hang cash sa kanyang ATM, puwersahang pina­kain din siya ng shabu bago tuluyang dinala sa MPD-HQ kung saan tina­kot umano siyang ka­kasu­han ng paggamit ng droga.

Gayunman, makaka­uwi lamang umano ang biktima kung makapagbi­bigay ito ng halagang P200,000 ka­ palit ng kan­yang paglaya. Nakauwi naman ang bik­tima maka­ra­ang ma­ka­pagbigay ng P20,000. Ina­resto naman ang mga na­banggit na pulis maka­raang kumalat sa e-mail ang gi­nawang pangongo­tong ng mga ito. Matapos ma­aresto ang mga ito ay kina­suhan sila ng rob­bery, robbery Ex­tor­tion, grave threat at physi­cal injuries bago sini­bak sa puwesto. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

AUTONOMOUS REGION

CHRISTIAN KA

DISTRICT MOBILE FORCE UNIT

GENERAL ASSIGNMENT SEC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with