^

Metro

3 city hall personnel, sinibak

-

Sinibak ni Manila Mayor Alfredo Lim  ang tatlong City Hall personnel matapos na lokohin ang  city government  ng halagang  P376, 977.50 sa  mga parking at towing fees  na kanilang nakolekta  at hindi ini-remit sa City  Treasurers office mula Hunyo 2006 hanggang Hunyo 2007.

Bukod sa kasong  panda­raya, nahaharap din sa ka­song dishonesty, grave mis­conduct at conduct grossly prejudicial si Traffic Officer II Antonio Dawis ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB); Su­ zanne Tinio Mem­pin, Spe­cial Operation Officer V at Angel Dizon disburse­ment officer ng mga resibo at monthly col­lection ng mga tow­ing fees at iba pang  park­ing scheme.

Ayon kay Lim, hindi umano siya magdadalawang-isip na sibakin sa serbisyo ang mga  empleyado na gumagawa ng katiwalian sa city government  lalo pa’t ang mismong mga Ma­­nileño ang  kanilang nina­nakawan.

Matatandaan na una nang  kinasuhan noong Enero   2008    ang tatlo kung saan sinus­pinde muna ang mga ito ha­bang isinasagawa ang im­bestigasyon. Napatunayang ang mga ito ay nag-tatlong kopya ng resibo na magkaka­iba ang halaga na nagrere­sulta naman ng  hindi  incon­sistency ng mga  bayad.

Napag-alaman na ang tatlo ay kumulekta umano ng  P382,400 sa parking at towing fees mula Hunyo 2006 hang­gang Hunyo 2007 subalit ang  ini-remit lamang ng tatlo sa  City Treasurer’s Office ay uma­abot lamang sa P5,422.50.

Sinabi naman ni MTPB chief. Ret. Col. Franklin Gacu­tan,  hindi dapat na  palagpa­sin ang  katiwalin  na gina­gawa ng tatlo dahil ito na rin ang nagiging dahilan ng pag­kalugi ng  city government. (Doris Franche)

ANGEL DIZON

ANTONIO DAWIS

CITY HALL

HUNYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with