Naipit sa rambol, pintor patay
Papauwi na
Katatapos lang sa trabaho sa pinapasukang construction site ang biktima at papauwi na kasama ang mga katrabaho nang biglang sumiklab ang rambol ng magkalabang gang na pawang may mga edad na 15 hanggang 20-anyos na kalalakihan. Tinangkang tumakbo at umiwas ng grupo ni Nogalada ngunit inakala ng isang grupo na mga kaaway sila. Dito nakorner ng mga suspek ang biktima na walang humpay na pinagpapalo ng tubo habang isa pa ang nagtarak ng patalim sa likod nito bago mabilis na nagsitakas. Pinilit pa ng biktima na tumakbo kahit may tama ng saksak ngunit tuluyan rin siyang bumulagta sa kalsada bago pa man rumesponde ang mga awtoridad at isugod siya sa pagamutan. Nabatid naman na halos gabi-gabi umano ay may nagaganap na rambol sa naturang lugar na hindi masawata ng pulisya. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending