^

Metro

Parak binoga ng sinitang holdaper

-

Malubhang nasugatan ang isang opisyal ng Pasay City Police nang makipag­ barilan ito sa isang holdaper na ti­nang­ka niyang sitahin, kama­kalawa ng gabi sa Pasay City.

Habang isinusulat ang ba­litang ito ay patuloy pa ring ginagamot sa San Juan de Dios Hospital si P/Senior Inspector Enrico Ebon, 50, na nakatalaga sa Police Com­munity Relation (PCR) ng Pasay City Police Station ma­tapos masapol ng bala ng baril buhat sa holdaper.

Nadakip naman sa isina­gawang operasyon ang sus­pect na  kinilalang si Ri­zaldy de Paz, 25, ng 704-B55 Apelo Cruz, Street.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-10 ng gabi nang mangyari ang nasabing in­sidente sa harapan mismo ng Winston Lodge, EDSA, Pasay City. 

Nabatid na pauwi na si Ebon sakay ng kanyang kotse nang mamataan sa panulukan ng Aurora Blvd. at Tramo St. ang suspect na may naka­sukbit na baril habang may kausap na isang babae dakong alas-10 ng gabi.

Sa pagkakataong ito ay hindi na nag-atubili umano ang opisyal at agad na bu­maba ng kanyang sasakyan upang lapitan at sitahin ang lalaki na mabilis na nagta­takbo at sumakay sa isang pedicab.

Dahil dito ay agad namang hinabol ng opisyal ang papata­kas na suspect, subalit bu­munot na ito ng baril at agad na pina­putukan  ang una na tinamaan sa kaliwang balikat.  Bunga nito ay gu­manti na rin ng putok ang opisyal subalit mabilis na naka­takas ang suspect pa­tungong Edang St. ng nabanggit na lugar.

Lumalabas naman sa ma­susing pagsisiyasat ng pulisya na ang suspect ay sangkot umano sa mga serye ng hol­dapan sa lungsod. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

APELO CRUZ

AURORA BLVD

DIOS HOSPITAL

EDANG ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with