^

Metro

Sintunadong helper tinodas

-

Isang helper ang namatay makaraang baunan ito ng pa­talim sa dibdib ng kanyang kapit­bahay na na­irita dahil sa sintu­nadong boses ng una, kama­kalawa ng gabi sa Caloocan City.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Valenzuela City Gene­ral Hospital (VCGH) sanhi ng tinamong saksak sa kaliwang bahagi ng katawan si Junifer Mandado, 21, ng 1498 Sitio Gitna, Kaybiga ng nabanggit na lungsod. Kasalukuyan namang nag­sa­sagawa ng manhunt opera­tion ang mga awtoridad laban sa suspect na nakilala la­mang sa alyas na Onad o Totoy,  na ma­bilis na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa ulat, dakong alas-11 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa Main Road, Sitio Gitna, Kaybiga, Caloocan City. Sa pahayag ng mga saksi, galing ang biktima at suspect sa isang inuman at magkasabay na umuwi nang maisipan ng biktima na kumanta habang naglalakad.

Dala ng kalasingan ay nairita umano ang suspect sa pangit at sintunadong boses ng biktima dahilan upang magkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa bigla na lamang bunutin ng una ang dala nitong patalim at tarakan sa dibdib ang huli.

Matapos ito, mabilis na tuma­kas ang suspect sa hindi natukoy na direksiyon, habang ang biktima naman ay isinugod ng ilang residente sa nabanggit na pagamutan ngunit hindi na rin ito umabot pa ng buhay. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

AYON

CALOOCAN CITY

JUNIFER MANDADO

KAYBIGA

MAIN ROAD

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

SITIO GITNA

VALENZUELA CITY GENE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with