^

Metro

Dahil walang pang-tuition, binatilyo nagpakamatay

-

Dahil  sa kawalan umano ng pang-matrikula at hindi na ma­ka­kapagpatuloy ng kanyang pag-aaral, mas pinili na lamang ng isang 18-anyos na binatilyo ang magpakamatay sa pama­magitan ng pag-inom ng silver cleaner kahapon ng umaga sa Binondo,Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Raymond Custodio, resi­dente ng Area H, Parola Cmpd., Bi­nondo,Maynila  ay dead-on-the-spot matapos na inumin nito ang laman ng isang bote ng silver cleaner.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nakita ng kanyang lola  ang biktima na nakahandusay at bumubula ang bibig dakong alas-11 ng umaga kahapon sa loob ng kuwarto. Huli umanong nakita ang bik­tima dakong alas-12 ng ha­tinggabi kung saan nakipag-inu­man pa umano ang una sa mga kaibigan nito.

Hinaing umano ng nasawi sa mga kaibigan nito  na hindi na siya makakapagtapos ng high school sa Jose Abad Santos High School kung saan ito ay 4th year na sa darating na pasukan.

Gayunman, inamin naman ng ina ng biktima sa pulisya na wala umano itong kakayahan na ibili ng mga gamit sa eskuwela­han ang anak at wala itong maitu­­tustos sa pang-araw-araw na pangangailangan nito sa pag-aaral.

Kumbinsido naman ang pa­milya ng biktima na walang na­ga­nap na foul play sa pagka­ma­tay ng biktima. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

AREA H

AYON

BINONDO

JOSE ABAD SANTOS HIGH SCHOOL

MAYNILA

PAROLA CMPD

RAYMOND CUSTODIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with