Ginang inumaga ng uwi, gulpi-sarado sa lover
Halos hindi mailarawan ang mukha ng isang ginang nang bugbugin, pagpapaluin ng tubo na bakal at tangka pang tadtarin ng kanyang lover matapos umagahin ng uwi , kahapon ng madaling-araw sa
Halos hindi magkagulapay na nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Evelyn Helit upang ireklamo ang live-in partner nito na si Jackson Sabio, ng
Bunga nito ay agad namang sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. 9262 o Anti Violence Against Women and their Children Act ang 33-anyos na suspect.
Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon na dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang maganap ang nasabing insidente sa loob ng bahay kapwa ng biktima at ng suspect.
Sa salaysay ng ginang sa pulisya, papasok pa lamang umano siya sa loob ng kanilang bahay ng biglang bumukas ang pinto at bumungad sa kanyang harap ang kinakasamang si Sabio na ikinagulat naman nito.
Bigla na lamang umanong kinaladkad ng lalaki papasok ng bahay ang ginang sabay kuha ng bakal na tubo at pinaghahampas ito sa huli. Hindi pa nakuntento ang lalaki, pinagsusuntok pa nito ang biktima sa ulo at sinampal ng maraming beses kasabay ang pagbabanta na pagtatagain hanggang sa mamatay.
Nakakuha naman ng tiyempo na makatakas ang biktima matapos malingat ang kinakasama at agad itong kumaripas ng takbo papalabas ng kanilang bahay.
Hinabol pa umano ng suspect ang ginang habang hawak ang isang matalas na jungle bolo kung saan nakaagaw naman ng pansin ang nasabing senaryo sa dalawang naglalakad na lalaki at dito agad nilang tinawag ang babae upang itago at samahan sa pulisya.
Agad namang nagresponde ang mga awtoridad kung saan naaresto ang suspect na nagtangka pang magtago sa loob ng kanilang bahay.
Ayon naman sa suspect, labis umano niyang ikinagalit ang pag-uwi ng madaling-araw ng ginang na nag-ugat sa muntik-muntikan na niyang pagkakapaslang dito. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending