Holdaper dedo sa parak
Nabaril at napatay ng isang pulis-Manila ang isang 24-anyos na lalaking hinihinalang holdaper matapos na makipagpalitan ito ng putok sa pulisya, kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Namatay habang ginagamot sa Ospital ng Maynila si Jeffrey Ramos ng Lambakin St., Marilao, Bulacan sanhi ng tama ng bala sa katawan.
Arestado naman ang dalawang kasama nito na sina Cerio Bernabe, 24 ng Daang Bakal New Antipolo St., Tondo at Vincent Reyes, 16 , ng 1092 Daang Bakal, Antipolo St., Tondo, habang tinutugis pa ang isa pa nilang kasamahan. Inginusong nakabaril dito ay si SPO1 Roderick Lacangan, nakatalaga sa MPD-Station 7.
Sa report, dakong alas-6 ng gabi nang maganap ang insidente sa kanto ng
Tinangkang magresponde si Lacangan subalit nagtakbuhan umano ang mga suspek at habang tinutugis ang mga ito nang pinaputukan siya ni Ramos dahilan upang gumanti siya ng putok at tamaan ito. (Grace dela Cruz)
- Latest
- Trending