^

Metro

Wanted na Hapones, timbog ng BI

-

Naaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng Hapon na matagal nang wanted sa kanilang bansa dahilan sa panloloko ng 25 million yen real estate sa isang mag-asawa.

Ang pagkakaaresto kay Hiroshi Takeuchi, 50, ay base sa kahilingan ng Interpol sa Tokyo, Japan sa BI at kaagad na ipa-deport sa kanilang bansa.

Si Takeuchi ay naaresto noong nakaraang linggo sa loob ng kanyang condominuim unit sa Harrison Mansion sa kaha­baan ng F.B Harrsion st. Pasay City ng pinagsanib na operatiba ng BI at ng National Bureau of Investigation (NBI) .

Ayon kay BI Techinical assistant for intelligence Victor Boco, si Takeuchi ay wanted sa Oka­yama dahilan sa panloloko sa isang Michiyo Shiraishi, 74, at sa asawa nitong si Saita Shi­rai­shi,78, ng halagang 24,894,490 Yen noong Dis­yembre 2005 at Mayo 2006.

Ang suspek umano ay emple­ yado noon bilang salesman sa Okayama branch ng Tama Home Inc. isang home builder subalit nagpapakilala ito bilang bill collector ng nasabing kompanya kaya’t naloko nito ang mag-asawa.

Tumakas umano sa bansang Japan si Takeuchi noong Mayo 31,2006 sakay ng Thai Airways patungong Maynila. (Gemma Amargo-Garcia)

B HARRSION

BUREAU OF IMMIGRATION

GEMMA AMARGO-GARCIA

HARRISON MANSION

HIROSHI TAKEUCHI

MICHIYO SHIRAISHI

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PASAY CITY

SAITA SHI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with