Isang bata na tinatayang nasa 6-8 taong gulang at may sakit na celebral palsy ang kusang-iniwanan ng kanyang mga magulang sa harapan mismo ng Pasay City Sports Complex.
Halos wala nang malay nang isugod ng mga barangay tanod sa Pasay City General Hospital ang hindi pa nakikilalang bata na nang abandunahin ng kanyang walang pusong ina sa naturang lugar.
Labis naman nabagabag ang kalooban ni Pasay City Mayor Wenceslao “Peewee” Trinidad nang makarating sa kanyang kaalaman ang pag-abandona sa bata kaya inatasan niya ang Pasay Social Welfare Department na pansamantalang kupkupin at bigyan ng pagkalinga ang walang malay na bata hangga’t hindi inaaruga ng kanyang tunay na mga magulang.
Malaki naman ang hinala ni Insp. Mila Carrasco, hepe ng Women and Children’s Protection Center na nagsawa na o nahirapan na ang mga magulang ng bata sa pag-aaruga rito.
Aminado rin si Carrasco na mahirap talagang alagaan ang ba tang may ganitong uri ng karamdaman subalit bilang magulang ay tungkulin na alagaan ang anak kahit ano pa ang kanyang kapansanan. (Rose Tamayo-Tesoro)