Checkpoint itatayo araw at gabi

Inutos kahapon ni Philippine National Police Chief Avelino Razon ang paglalatag  ng check­points at choke­points sa Metro Manila kahit na araw kaugnay ng pina­lakas na anti-bank robbery campaign.

Ito’y upang maiwa­sang maulit pa ang nang­yaring karumal­dumal na Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) bank/robbery massacre sa Cabuyao, Laguna no­ong nakalipas na Mayo 16 na ikinasawi ng siyam na empleyado at isang depositor ng nasabing bangko.

Ayon kay Razon, ang checkpoints at choke­points ay kanilang ipatu­tu­pad kahit araw mula alas-9:00 ng umaga hang­gang alas- 3:00  ng hapon o sa tuwing banking hours.

Kasabay nito, inata­san rin ni Razon ang mga  hepe ng pulisya na luma­­bas sa kanilang mga upisina at pamu­nuan ang nasabing operasyon.

Si Razon ay personal na naglibot kaha­pon ng umaga sa Pasay City at pi­nangunahan ang check­point operations sa kahabaan ng EDSA hing­gil naman sa ipina­tu­tupad na “No Plate, No travel policy.” (Joy Cantos)

Show comments