Amo ninakawan ng maid

Hindi sukat-akalain ng isang negosyante na su­suklian ng pagna­nakaw ang kabaitang pi­nakita niya sa kanyang kasam­bahay maka­ra­ang tanga­yin ng huli ang malaking halaga ng pera ng una, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Positibong kinilala ng biktimang si Brian Blas, 42, ng 147-Pateros St., Ba­rangay Maypajo ng na­ banggit na lungsod. Ang suspek ay si Marivic Cruz, 26-anyos, tubong-Cebu.

Base sa pahayag ng biktima, dakong alas-10 ng umaga nang madis­kubre ng kanyang anak na babae na wala na ang suspek sa loob ng kani­lang pamamahay at ilang mamahaling kaga­mitan ang nawawala.

Sa puntong ito ay agad na kinutuban ng hindi maganda si Blas at mabilis na tinungo ang kanyang kuwarto at dito nadiskubre na nawa­wala ang kanyang pouch bag na naglalaman ng P200, 000. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments