Bangko sa MM nilibot ni Razon
Bilang bahagi ng kampanya laban sa holdapan, sinimulan na kahapon ni Philippine National Police Chief Director General Avelino Razon Jr. ang pag-iinspeksyon sa ipinatutupad na seguridad sa mga bangko sa Metro Manila.
Ang hakbang ay matapos naman ang malagim na Rizal Commercial Banking Corporation bank robbery/holdup massacre sa Cabuyao, Laguna na ikinasawi ng 10 katao.
Kasabay nito, inatasan ni Razon ang mga police district directors sa Metro
Kahapon, pinangunahan ni Razon ang paglilibot sa mga bangko sa Metro Manila kung saan inuna nito ang mga bangko sa commercial na distrito ng Araneta Center sa Cubao, Quezon City.
Nabatid na ang Quezon City area ang may pinakamaraming mga bangko na aabot sa 130 ang bilang.
Kasabay nito hiniling ni Razon sa pamunuan ng mga bangko sa National Capital Region na ipatupad ang mahigpit na seguridad sa kanilang mga tanggapan partikular ang paglalagay at pagpapagana ng Closed Circuit Television camera upang maiwasan ang kahalintulad na pangyayari sa madu gong bank massacre sa Laguna. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending