Iba pang biktima ng kikil na janitor pinalilitaw ni Isko
Pinalulutang ni Acting Manila Mayor Isko Moreno kung mayroong iba pang nabiktima ang isang janitor na ipinasuspinde sa trabaho matapos mahuli sa isang entrapment operation bunga ng pangingikil sa isang estudyanteng may summer job position sa
Kasabay nito, muling nagbabala kahapon si
Noong Biyernes, ang janitor na si Romeo Fabian, 39, nakatalaga sa Youth and Welfare Bureau ng Manila City Hall, residente ng 1354 Burgos St, Paco. Maynila, ay inaresto ng grupong pinamumunuan ni District Special Police Unit Chief Senior Supt. Alex Gutierrez matapos maaktuhang kinakaltasan ang sweldo ng isang Reyalen Dealagdon, 16, summer job employee sa ilalim ng Government Internship Program and Summer Program for Employment of Students ng Manila City Hall.
Nabatid sa reklamo ni Dealagdon na kailangang magbigay umano siya ng halagang P1,800. mula sa kaniyang sinahod na P2,000 kung nais pa nitong makapagpatuloy sa summer job. Ang nasabing halaga umano ay ipinahihingi ng mga nakatataas kay Fabian sa Youth Bureau.
Isinagawa ang entrapment nang isumbong ng biktima sa tanggapan ni Senior Insp. Marcelo Reyes ng DSPU ang panghihingi ni Fabian ng salapi. Nang magpadala ng text message ang suspek at pinapupunta ang biktima sa treasurer’s office cash division ay binantayan na ng mga operatiba ang galaw nito.
Nang mapirmahan na ng biktima ang payroll, nasaksihan ng mga operatiba na si Fabian ang kumuha ng pay envelope at kinaltas na ang nasabing halaga kaya siya inaresto at sinampahan ng kasong robbery extortion sa Manila Prosecutor’s Office. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending