^

Metro

Teen center pinasinayaan

-

Hindi na mag-aala­ngan ang mga kabataan sa Quezon City na pu­munta sa mga health center para magpakon­sulta lalo na sa usapin ng sekswalidad at  reproductive health.

Ito ay matapos pasi­na­yaan kamakailan ni Mayor Feliciano Bel­monte Jr. ang isang one-stop shop na center na magbibigay ng serbis­yong medikal sa mga kabataan.

Binuksan ang center tatlong buwan matapos ipasa ng Quezon City Council ang population and reproductive  health management  ordinance na naglalayong magturo sa mga kabataan ng health education.

Tatawaging Teen Head­­quarter ang center na may mga tauhang magbibigay ng counselling, referral at information-education sa mga batang kabataang may edad na mula 15 hang­gang 24 anyos. 

Kabilang sa serbisyo ng center ang pregnancy test at counseling, pap smear exam,  pre at post natal care, breast exam, testicular exam at pag­tutuli.

BINUKSAN

KABILANG

MAYOR FELICIANO BEL

QUEZON CITY

QUEZON CITY COUNCIL

SHY

TATAWAGING TEEN HEAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with