^

Metro

Pedicab driver kinatay

-

Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 33 -anyos na pedicab driver ng kanyang kasamahan kahapon ng madaling araw sa Sta. Mesa Maynila. Hindi na umabot ng buhay sanhi ng mga saksak sa katawan at batok sa De Ocampo General Hospital ang biktimang si Roberto Aguilar, binata ng  37-B Road 12, NDC compound, Sta Mesa, Manila. Patuloy namang inaalam ang pagka­kakilanlan sa suspek na tumakas matapos ang insidente na hinihi­nalang kasamahan din nito. Base sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-4:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa harapan ng Zizling Station Eatery sa Kaliwa, GSIS Metro Homes, Phase II, Anonas St., Sta Mesa, Manila. Bago maganap ang insi­dente nakitang nag-inuman ang biktima at kumpare nito na si Salvador Mansueto , isa ring pedicab driver at nang nakaramdam na lasing na ito ay nagpaalam na uuwi na subalit nakatulog ito sa isang kawayang higaan. Subalit laking gulat na lamang kinabukasan ng mga residente sa naturang lugar ng matuklasang tadtad ng saksak ang katawan nito at wala nang buhay. Ayon sa ilang nakasaksi, huling nakitang kasama nito ang isang lalaki na maaring kasamahan nito  habang pasuray-suray na naglalakad hanggang sa nakatulog sa papag sa harapan ng kainan. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

ANONAS ST.

B ROAD

DE OCAMPO GENERAL HOSPITAL

GEMMA AMARGO-GARCIA

MESA MAYNILA

METRO HOMES

ROBERTO AGUILAR

SALVADOR MANSUETO

STA MESA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with