^

Metro

Anak ni Lozada tinangkang kidnapin

-

Tinangka  umanong dukutin ang nag-aaral na anak ng ZTE whistle blower Rodolfo “Jun” Lozada ng dati nitong driver sa Philippine Forest Corporation (PFC).

Gayunman, hindi naman nito tinukoy ang pangalan ng dati nitong driver nang humarap ito sa isang press conference na “No Holds Barred”  kahapon ng umaga sa National Press Club sa Intramuros, Maynila.

Ayon kay Lozada, March 4, 2008 bandang hapon ay nagtungo umano ang dati nitong driver sa eskuwelahang pinapasukan ng kan­yang anak upang sunduin ito.

Nakapasok umano sa nasabing eskuwe­lahan ang dati nitong driver nang sabihing may  bibilhin lamang  sa loob ng eskuwelahan, bukod pa sa kilala na umano ito ng security doon.

Gayunman, hindi naman sumama ang anak nito makaraang bilinan ng kanyang ina nang tawagan ito.

Itinanggi naman ni Lozada na gusto na niyang mangibang bansa at doon na mani­rahan dahil sa umano’y walang  nangyayari sa isinasaga­wang imbestigasyon ng ZTE Broadband deal.

Nilinaw niya na tinanong lamang umano siya ng isang mamamahayag hinggil sa isang worst scenario sa ginaganap na imbestigasyon at may options itong mangibang bansa kaya sinagot lamang nito na gusto rin nitong mangi­bang bansa para sa kanyang pamilya.

Dagdag pa nito na sa kasalukuyan niyang sitwasyon na hindi ito malayang nakakakilos at hindi ito nakakapagtrabaho at hindi nito natu­tu­gunan ang pinansiyal na pangangailangan ng kanyang mga pamilya kaya naiisip niyang  mangibang bansa na lamang. Gayunman, iginiit nito na hindi siya aalis ng bansa at dito siya sa bansa mamamatay.  (Grace dela Cruz)

GAYUNMAN

LOZADA

NATIONAL PRESS CLUB

NO HOLDS BARRED

PHILIPPINE FOREST CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with