^

Metro

Cargo trucks, bus at tricycle ban sa NAIA

-

Sinimulan kahapon ng Manila International Airport  Authority  (MIAA) na ilunsad ang bagong “traffic scheme” na pina­magatang “Kalyeng  Maayos Joint Project” sa pakikipag­tulungan ng pamu­nuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at lokal na pamahalaan ng Pasay  City. 

Ipinatupad na ang 24-oras na pagbabawal sa mga cargo trucks, pampasaherong bus at tri­cycles sa Domestic Road at Andrews Avenue  patungong Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 at Centennial  Terminal 2 na bahagi ng ‘traffic discipline zone’ na naglalayong  ma­paayos ang daloy ng trapiko patungo at paalis sa nasabing paliparan.

Ayon kay MIAA General Ma­nager Alfonso Cusi, inaasahan na nito na  magiging maayos ang daloy ng mga sasakyan sa loob ng airport complex sa  pagsi­simula ng bagong proyekto.

Nagpasalamat si Cusi sa pakikipagtulungan ng Traffic Management Office, MMDA, mga opisyal ng Brgy. Maricaban at sa tanggapan ni Pasay City  Mayor Peewee Trinidad kasu­nod ng kanilang paglalagda ng isang Executive  Order kaugnay sa  traffic alleviation scheme.

Pinayuhan naman ni Airport Police Chief Frank Dino ang mga truck drivers  na may tanggapan sa Domestic Road at Andrews Avenue na magpakita ng  pru­weba na deliveries o magka­karga ang mga ito sa mga tang­gapan at  warehouses sa nasa­bing lugar upang mabigyang pa­hintulot ang mga ito na  maka­pasok sa naturang kalye.

Ang mga bus galing EDSA na may terminal sa Tramo Road ay ma­aaring  dumaan sa Tramo Road at gamitin ang u-turn slot na nasa harap ng KIA  Motors building. Ang mga tricycle na nagbibiyahe patungo sa rutang  Nichols ay kailangan dumaan sa mga loob ng kalye sa Maricaban area.

Mahigpit na ipinatutupad  ang “No left turn policy” sa Andrews Avenue para sa tuluy-tuloy na daluy ng trapiko. (Ellen Fernando)

ANDREWS AVENUE

DOMESTIC ROAD

SHY

TRAMO ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with