^

Metro

Anak ni Lim lumaya, matapos magpiyansa

-

Sa kabila ng pag­kakakumpiska sa po­sesyon ng 100 gramo ng shabu, tuluyang pina­laya ng Manila Regional Trial Court ang anak ni Manila Mayor Alfredo Lim mata­pos na ma­kapagpi­yansa na sa kasong drug pushing, trafficking, at pagga­mit ng iligal na droga.

Kinumpirma ni Philippine Drug Enforcement Agency-Metro Manila Regional Office chief, Sr. Supt. Benjamin Maga­long na tuluyang tinang­gap na ng Manila Regional Trial Court ang P400,000 piyansa para sa pansamantalang ka­layaan ni Manny Santos Lim.

Nabatid na una nang itinakda ang P600,000 piyansa para sa patong-patong na kasong drug pushing, using at trafficking kay Lim ngunit na­ipababa ito sa P400,000.

Habang isinusulat ito, dinala rin kahapon sa PNP Crime Laboratory Service si Lim upang isailalim sa medical exa­ mination bago tuluyang pakawalan.

Matatandaan na ina­resto ng PDEA si Lim noong Marso 14 sa Pharaoh Hotel sa Sta. Cruz, Maynila kung saan na­kuha umano sa poses­yon nito ang 100 gramo ng hinihinalang shabu. (Danilo Garcia)

BENJAMIN MAGA

CRIME LABORATORY SERVICE

DANILO GARCIA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY-METRO MANILA REGIONAL OFFICE

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MANNY SANTOS LIM

PHARAOH HOTEL

SHY

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with