^

Metro

Presyo ng LPG nagtaas ng P5.50 kada tangke

-

Hindi na rin nagpahuli sa pagtaas ang Liquified Petrolium Gas (LPG) sa patuloy na pagtaas ng krudo matapos na mag- anunsyo ang grupong LPG Marketers Association (LPGMA) ng paniba­gong .50 sentimos o ka­buuang P5.50 kada 11 kg na tangke nito.

Ayon kay Arnel Ty, presidente ng LPGMA, ang panibagong LPG price hike ay sinimulan dakong alas-12:01 ng madaling-araw ngayon dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng contact price nito sa pan­daigdigang pamilihan na umaabot na sa mahigit $30 kada metric tons gayundin ang paghina ng piso kontra dolyar.

Paliwanag pa ni Ty, dealer ng Omni, Cat, Sula at Pinnacle Gas na wala na silang ibang opsyon kundi ang ipataw sa consumer ang dagdag pres­yo dahil hindi na umano nila kayang pasanin dahil maliliit na negosyante lang umano sila ng LPG kumpara sa Shell, Caltex at Petron.

Sa kasalukuyan ay ito na ang ikatatlong pagtaas ng presyo ng LPG ma­tapos ang huling pagtaas ng P22 kada 11 kg na tangke noong Abril 28 ng taong ito.

Inaasahan naman na susunod ang iba pang kompanya ng LPG sa ginawang pagtaas ng presyo ng grupong LP­GMA. (Edwin Balasa at Rose Tamayo-Tesoro)

ABRIL

ARNEL TY

AYON

CALTEX

EDWIN BALASA

LIQUIFIED PETROLIUM GAS

MARKETERS ASSOCIATION

PINNACLE GAS

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with