Bading timbog sa rape

Natapos ang maliliga­yang sandali ng isang bading makaraang masa­kote sa entrapment ope­ration kahapon ng uma­ga ng mga tauhan ng Pasay City Police sa loob ng isang motel habang pinagsasamantalahan ang isang binata na pi­nangakuan ng trabaho sa ibayong dagat.

Ang suspect na kinila­lang si Ronald Catian, 30, residente ng Celeridad St., Pasay City ay nada­kip matapos ireklamo ng biktimang si Christian Muñoz, 24, ng #80 Ping­kian-1, San Roque compound, Pasong Tamo, Tandang Sora, Quezon City.

Batay sa imbesti­gas­yon, nitong naka­raang April ay unang inalok ng suspect ang biktima upang magtra­baho bilang room boy sa bansang Malaysia sa kondisyon na pauunlakan nito ang una sa isang seks­wal na pa­ma­maraan.

Dahil sa kagustuhang magkatrabaho, nitong ikalawang linggo ng Abril, napilitan ang biktimang sumama sa baklang recruiter sa loob ng Ro­tonda Lodge, EDSA, Pasay City at doon pinag­samantalahan.

Muling pinangakuan ng suspect ang biktima na aayusin nito ang mga requirements sa bansang Malaysia at nitong kata­pusan ng Abril, muling hini­ling ng suspect na mapag­bigayan siya sa pagna­na­sang sekswal sa biktima.

Sa ikalawang pagka­ka­taon, muling napilitan ang biktimang pagbigyan ang suspect sa pagna­nais na makapagtrabaho sa abroad at naulit ang panghahalay ng huli sa una nitong nakaraang May 1, 2008 sa Galaxy Lodge, na nasa Taft Ave­nue, Pasay City.

Dahil nakahahalata ang biktimang niloloko lamang siya ng suspect, nagreklamo na ang bik­tima sa himpilan ng pu­lisya at dito agad na isina­gawa ang entrapment operation sa Rotonda Lodge na muling pinag­dalhan sa biktima.

Nang salakayin ng mga pulis ang naturang hotel, naaktuhan ang suspect na nakahubad at  ginagahasa ang biktima.

Lumabas sa imbesti­gasyon ng pulisya na walang kakayahan ang suspect para magpadala ng trabahador sa ibayong dagat.

Show comments