^

Metro

Engineer patay sa snatcher

-

Binaril  hanggang sa mapatay ang isang 51-anyos na engineer ng isang snatcher kamakalawa ng hapon sa Ermita , Maynila.  Naki­lala ang nasawi na si Faustino Mandap Jr., ng Cainta, Rizal sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Arestado naman ang suspek na sina Arnel Ampato, 22, binata ng Ramirez St., Novaliches, Quezon City at kasama nitong si Mohamad khalil Abdul Wahid.  Batay sa imbestigasyon, dakong alas-4:30 ng hapon naganap ang insi­dente sa harapan ng 1414 LS Bldg, Roxas Blvd., Ermita, Manila.

Ang  bik­tima ay naglalakad umano sa naturang lugar nang lapitan   ng mga suspek at walang sabi-sabing binaril ito sa ulo gamit ang isang kalibre 38 saka inagaw ang hawak na bag ng biktima.

Mabilis na tumakas ang mga suspek subalit nakita ito ng mga nagpa­patrul­yang pulis na naging dahilan ng pagkaaresto sa mga ito.  Saman­tala, patay din ang isang Indian national matapos   barilin ng isang holdaper kahapon sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si Paramjit, 20, na nagtamo ng tama ng bala sa katawan. Mabilis na­mang nakatakas ang suspect matapos ang ginawang pang­hoholdap sa dayuhan. (Grace dela Cruz at Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ABDUL WAHID

ARNEL AMPATO

ERMITA

FAUSTINO MANDAP JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with