Ginang nagbaril sa sarili

Bunsod ng matinding depresyon, nag­baril sa sarili ang isang 30-anyos na ginang kahapon sa Tondo, Maynila. Patay na nang matagpuan sa loob ng kanilang bahay si Edna Igot Arufo, ng BLock 15 Baseco Cmpd., Manila. Ayon sa ulat, dakong alas-9:45 ng umaga  nang marinig ang malakas na putok ng baril sa loob ng bahay ng ginang hanggang sa madiskubre nga ang ginawa nitong pagpapakamatay.

Nabatid na tatlong beses na itong nag­tangkang wakasan ang kanyang buhay ngunit ito ay napipigilan lang ng mga kamag-anak. Ka­hapon ay inutusan nito ang dala­wang anak na bumili ng kanilang almusal at nang maka­alis ang mga ito ay doon isinagawa ng ginang ang pagbabaril sa sarili. (Grace dela Cruz)

Show comments