^

Metro

2 parak, 3 pa timbog sa kidnap

-

Limang pinaghi­hinala­ang notoryus na miyembro ng isang kidnap-for-ran­som gang kabilang ang dala­wang bagitong pulis na sangkot sa pagdukot noong nakalipas na buwan sa isang mayamang negos­yanteng Filipino-Chinese ang nasakote sa serye ng operasyon sa Metro Manila.

Kinilala ang mga na­arestong suspect na sina PO1s Freddie Dumaguing at Samuel Derije; pawang nakatalaga sa PNP Head­quarters Support Service sa Camp Crame at ang mga sibilyang kasabwat ng mga ito na sina  Jun Jun Amar, Augusto Tabuno, Jr., at Armando Mariano.

Ayon kay PNP-Crimi­nal Investigation and De­tection Group (PNP-CIDG) Di­rector P/Chief Supt. Raul Castañeda, pinaghahanap pa nila ang sampu pang miyembro ng sindikato ka­bilang ang dalawa pang pulis na nakatalaga rin sa Camp  Crame.

Isinagawa  ang operas­yon laban sa mga suspek  matapos na dumulog sa tang­gapan ng PNP-CIDG ang biktimang si Johnny Sy na umano’y pinag­bantaan siya ng mga sus­pek na du­dukuting muli dahil  kulang pa umano ng P1 milyon na napagkasun­du­ang ransom ng kanyang pamilya sa mga kid­nap­pers kapalit ng kanyang kalayaan.

Sa testimonya ni Sy sa mga imbestigador, dinukot siya ng mga armadong sus­pect na sakay ng mo­tor­­skilo at isang L 300 van  malapit sa kanyang taha­nan sa University Hills sa Caloocan City noong Abril 8.

Ang nasabing Tsinoy ay pinalaya matapos ang tat­long oras na pagkaka­dukot  pagkaraan namang mag­bayad ang kanyang pa­mil­ya ng inisyal na P500,000 mula sa napag­ka­sunduang P1-M ransom.

Nabatid na nagbigay muna ng P 300, 000 ang pa­milya ni Sy sa mga kid­napper mula sa kaniyang ATM account at karagda­gang P100,000 ng sumu­nod na araw  hanggang sa umabot ito ng P 500,000 kung saan kinuha umano ng mga suspect ang kan­yang ATM card.

Napilitan ang biktima na ipakansela ang kan­yang account ng mabatid na nagawang makapag-with­draw ng mga suspect ng P70,000 mula sa kan­yang ATM account.

Kasalukuyan na na­ka­piit sa detention cell ng PNP-CIDG sa Camp Cra­me ang mga suspect na nahaharap sa kasong kid­napping for ransom at illegal possession of fire­arms ma­tapos na masam­saman ng isang cal. 45 pistol at dala­wang cal. 38 revolvers. (Joy Cantos)

ARMANDO MARIANO

AUGUSTO TABUNO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with