Nangangamba ang isang alagad ng Simbahang Katoliko na mabiktima umano ng kasamaan ang mga bata bunsod na rin ng paggamit ng internet kung saan ikinakalat ang mga anti-Christian values. Dahil dito, nagbabala si Ma rikina parish priest Ric Equia sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak kasunod ng pagkakaroon ng mga ito ng access sa internet at maaaring maging biktima umano ni “Satan” na gumagamit ng internet upang ipakalat ang mga anti-Christian values.
Paliwanag ni Equia na mas mapanganib ang sitwasyon sa kasalukuyan dahil maraming bata ang namumulat na sa internet sa kanilang mas murang edad.
Dahil dito, dapat na siguruhin ng mga magulang na ang kanilang mga anak ay armado ng “proper values” upang hindi madaling mahikayat sa masamang gawi, partikular kung bumibisita ang mga ito ng iba’t ibang internet sites.
Hinikayat din ni Equia ang simbahan na labanan ang naturang banta mula sa internet sa pamamagitan nang pagbuo ng sarili nitong cyberspace. (Doris Franche)