^

Metro

Graft laban sa 2 tauhan ng city hall

-

Nahaharap sa  kasong graft at direct bribery sa Manila Prosecutor’s Office ang dala­­ wang tauhan ng  Manila City Treasurer’s office na nadakip sa isang entrapment ope­ration ng District Special Police Unit kaugnay sa pangingikil ng salapi mula sa isang negos­yante, noong Biyernes.

Kinilala ni Senior Insp. Marcelo Reyes ang mga sus­pek na sina Rochelle Gu­tierrez at Alfredo Silva, kapwa business license inspectors.

Pormal namang naghain ng reklamo ang negosyanteng si Mario Pronstoller, 60-anyos, may-ari ng Golden Eagle Shipping Corp.

Dakong alas-4 ng hapon, noong Biyernes nang isagawa ang pagdakip sa dalawang suspek sa loob mismo ng Manila City Hall treasurer’s office.

Sa reklamo ng negos­yante, nagtungo sa kaniyang tanggapan ang mga suspek noong Mayo 6, 2008 at ipri­nisinta sa kaniya ang  hand­written assessment ng tax arrears para sa loob ng limang taon na nagkakahalaga ng P380,000.

Inalok umano ng dalawa ang negosyante sa compro­mise settlement na aabot lamang sa P80,000 na ibinaba pa sa P35,000. Sa puntong iyon ay nakipagkasundo ang biktima na makikipagkita  upang dalhin ang ka­bayaran.  Lingid sa kaalaman ng mga suspek, nakaplano na ang entrapment. (Ludy Bermudo)

ALFREDO SILVA

BIYERNES

CITY HALL

DISTRICT SPECIAL POLICE UNIT

GOLDEN EAGLE SHIPPING CORP

LUDY BERMUDO

MANILA CITY TREASURER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with