^

Metro

Militar inalerto sa transport strike

- Joy Cantos -

Isasailalim sa ‘height­­ ened alert’ ang puwersa ng  Armed Forces of the Philippines-National Capital Region Command para sa  ilulunsad na transport strike ng grupong PISTON bu­kas, Lunes.

Ayon kay AFP- NCRCOM Spokesman Capt. Carlo Ferrer, pa­tuloy nilang imomonitor ang sitwasyon at kung kinakailangang  isa­ilalim ang kanilang puwersa sa red alert ay kanila itong gagawin depende sa sitwasyon.

Una nang inihayag ni NCRPO  Chief Director Geary Barias na epektibo alas-8 ng gabi ngayong Linggo ay nasa full alert ang ka­nilang puwersa sa Metro Manila bilang paghahanda sa transport strike.

Kasabay nito, ini­ha­yag ni  Ferrer na naka-standby na rin sa Camp Aguinaldo ang tropa ng AFP-NCR COM upang umayuda sa pulisya sakaling magkaroon ng kagulu­han sa nasabing pag­wewelga ng PISTON.

Sinabi ni Ferrer na nakahanda na rin ang kanilang mga military vehicles kaugnay ng “Oplan Libreng Sakay’ para sa mga mai-stranded na commuters sa mga lugar na apektado ng isasaga­wang transport strike.

Aniya, handa rin silang  i-divert o gami­tin muna ang ilang mga trucks na ginagamit sa distribusyon ng NFA rice para magkaloob ng libreng sakay sa mga maapektuhang commuters.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES-NATIONAL CAPITAL REGION COMMAND

CAMP AGUINALDO

CARLO FERRER

CHIEF DIRECTOR GEARY BARIAS

METRO MANILA

OPLAN LIBRENG SAKAY

SHY

SPOKESMAN CAPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with