Mangingisda timbog sa pampasabog
Isang mangingisda na pinaniniwalaang sangkot sa paggawa ng pampasabog ang nadakip ng pulisya nang salakayin ang lugar nito at makumpiska ang mga improvised explosive device sa
Nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1866 (illegal possession and manufacturing of improvised explosive device) si Artemio Obeja, ng #147 Interior Governor Pascual, Brgy. Sipac ng nabanggit na lungsod.
Nakumpiska sa pag-iingat nito ang 37 bote na ginagamit sa dynamite fishing, 45 pirasong blasting caps, 1 sako ng ammonium nitrate, 1 kawa na naglalaman din ng ammonium nitrate, 23 pirasong walang lamang bote at limang motor boats na ginagamit sa pangingisda.
Sa impormasyong nakalap ng pulisya, dakong alas-9:30 ng gabi nang madakip ang suspek sa isang bahay na matatagpuan sa kahabaan ng Pitong Gatang, Brgy. Sipac,
Ayon kay DIID deputy chief, C/Insp. Arturo Paras, una silang nakatanggap ng impormasyon hinggil sa paggawa at paggamit ng suspek ng dinamita sa pangingisda kaya’t agad silang nagsagawa ng surveillance at nang maging positibo ay kumuha sila ng search warrant na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending