^

Metro

Mensahero patay sa riding-in-tandem

- Ni Grace Dela Cruz -

Muli na namang sumala­kay ang kilabot na riding-in-tandem kung saan hinoldap at napatay ng mga ito ang 50-anyos na mensahero na ka­nilang natiktikang nag-with­draw ng malaking ha­laga ng salapi sa isang banko sa Man­daluyong City, kahapon ng hapon.

Patay na nang idating sa Lourdes Hospital ang bikti­mang si Alfredo Maliksi,  mes­senger sa St. Dominic Industry Inc. at naninirahan sa #1039 Pat Antonio St., Sta. Mesa, Manila sanhi ng tinamong dala­wang tama ng bala ng baril sa katawan.

Batay sa report ng Manila Police District, na­ga­nap ang insidente dakong alas- 12:30  ng hapon kung saan ang bik­tima ay nag-withdraw umano ng hindi pa mabatid na halaga ng pera mula sa Metrobank-Manda­luyong branch.

Sumakay umano ang bik­tima ng jeep at ito ay   bu­maba sa panulukan ng Taft Antonio at P. Sanchez St., V. Mapa.

Habang naglalakad uma­no ang biktima ay hinintuan ng dalawang suspek ang bik­tima at tinutukan ng baril at pilit na hinihingi ang wi­nith­draw nitong pera.

Tumanggi naman ang bik­tima na ibigay ang pera sanhi upang pagbabarilin siya ng mga suspect.

Mabilis na kinuha ng mga suspect ang P65,000 winith­draw ng biktima at saka iniwan ang huli na nakahandusay.

Masusing sinisi­ya­sat ng mga awtoridad ang posibili­dad na may­roong insider sa banko na nag-tip sa mga suspect tung­kol sa perang dala ng biktima.

Patuloy naman ang gi­na­­gawang imbestigasyon ng pulisya.

ALFREDO MALIKSI

LOURDES HOSPITAL

MANILA POLICE DISTRICT

PAT ANTONIO ST.

SANCHEZ ST.

SHY

ST. DOMINIC INDUSTRY INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with