^

Metro

Bagong laya tinodas

-

Tatlong araw pa lamang nakakalaya ang isang 24-anyos na lalaki nang paslangin ito kamakalawa ng gabi ng mga hindi nakilalang suspek sa lungsod ng Quezon.

Nakilala ang nasawi na si Jeffrey Lazo, binata, naninirahan sa #22 Kabilugan St., Brgy. Gulod Novaliches, ng naturang lungsod. Nabatid na naha­harap ito sa kasong robbery at kalalaya lamang.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, naganap ang pamamaslang dakong alas-10 ng gabi sa loob ng isang ginagawang bahay sa Baltazar Street, Brgy. Gulod. Sinabi ng nakasaksing si Marvin Bacalla na nakarinig siya ng putok ng baril at nang kanyang silipin nakita niya ang apat na lalaki na armado ng baril at nagmamadaling tumakas.

Agad na tinungo ni Bacalla ang loob ng ginagawang bahay kung saan nakita ang biktima na nakahandusay at naliligo sa sariling dugo.  Nagtamo ito ng mga tama ng bala sa katawan.

Hinala naman ng pulisya na posibleng dating kasamahan ng biktima ang mga suspek na maaring  nasa likod ng pamamaslang kung saan maaaring may malaki itong atraso sa kanilang sindikato. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BACALLA

BALTAZAR STREET

BRGY

DANILO GARCIA

GULOD NOVALICHES

JEFFREY LAZO

KABILUGAN ST.

MARVIN BACALLA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with