^

Metro

Oil companies, target ng bomb attack

- Rose Tamayo-Tesoro -

Dahil sa labis na pa­ngamba matapos ang na­tanggap na pagbabanta ng “bomb attack” ng mga hi­ganteng oil companies na nakabase sa Makati City ay mas pinaigting ng pulisya ang seguridad sa loob at labas ng mga na­banggit na kompanya si­mula ka­hapon.

Batay sa ulat ng pu­lisya, partikular na bina­ban­­tayan ngayon ang mga punong-tanggapan ng Pili­pinas Shell, Petron Corp. at Chev­ron-Caltex sa Makati City.

Nabatid na may ka­ug­na­­yan din umano ang pag­da­dagdag ng pwersa ng ka­pu­lisan sa mga na­bang­git na tanggapan ng oil com­pa­nies sa napipin­tong ika­kasang malawa­kang kilos-protesta na isa­­sagawa sa May 12 ng mga trans­port groups. Sinasabing ang nasa­bing bantang “bomb attack” na ang target ay mga na­banggit na tang­ga­pan ng mga oil com­pa­nies sa Makati City ay ba­hagi umano ng pro­testa ng ilang elemento sa walang hum­pay at anila’y hindi ma­ka­taru­ngang ling­guhang pag­taas sa pres­yo ng petrolyo.

Simula kahapon ay pitong patrol car na rin ng pulisya ang itinalaga at nag­pa­patrulya sa mga na­banggit na oil companies upang bigyang-protek­siyon ang seguridad ng mga ito.

BATAY

CALTEX

CHEV

DAHIL

MAKATI

PETRON CORP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with