^

Metro

Jeepney drivers sinampolan sa noise pollution

-

Development Authority (MMDA) ng ‘kamay na bakal’ ang mga jeepney drivers at ilan pang tsuper ng mga pampublikong sasakyan na nagpapatugtog ng malakas ng kanilang mga car stereo.

Kahapon ay unang sinampolan ang mga jeepney driver na bumibiyahe sa Cubao-Aurora sa Quezon City kung saan umabot  sa mahigit 20 tsuper ang agad na tiniketan at kinumpiskahan ng kanilang mga car stereo. Binigyang kasiguruhan naman ng MMDA na mababawi ng mga driver ang kanilang stereo sa oras na mabayaran ang multa na P1,000.

Ayon kay MMDA chairman Bayani F. Fernando, ang naturang hakbang ng MMDA ay kasunod na rin ng mga nata­tang­gap nilang reklamo mula sa mga pasa­hero na bukod sa masakit sa tenga ang malakas na tugtog sa loob ng jeep ay nagiging sanhi din ito ng aksidente dahil kalimitang hindi naririnig ng mga driver ang pagpara ng mga pasahero.

Dagdag pa ng MMDA chief na hindi na dapat sumali pa sa noise pollution‚ ang mga driver ng mga pampasaherong sa­sakyan dahil matindi na umano ang ingay sa mga kalsada.

“Ang biyahe ay dapat na maging kom­por­table at kaaya-aya, subalit sa lakas ng pagpapatugtog sa loob ng mga jeepney na halos hindi na magkarinigan ang bawat isa ay nagiging “stressful” ang biyahe,” ayon naman sa ilang pasahero.

Sa kabilang dako, ilan naman sa mga driver ng mga pampasaherong jeep ang nagsabi na hindi sila pabor sa pagbabawal sa malakas na pagpapatugtog dahil wala naman umanong katotohanan na hindi nila naririnig ang mga pasahero.Ang pakikinig umano ng musika sa loob ng jeep ng medyo malakas ay panlaban din sa antok at sa pagka-inip. (Rose Tamayo-Tesoro)

AYON

BAYANI F

BINIGYANG

CUBAO-AURORA

DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON CITY

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with