^

Metro

17 ‘Magdalo’ nanumpa bilang PDEA agents

-

Nanumpa na bilang mga bagpong ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang may 17 miyembro ng grupong “Magdalo” kahapon ng umaga sa Quezon City.

Kabilang sa mga nanumpa sina Intel­ligence Officer IVs Julius Navales, Emer­son Margate; IO IIIs Jonah Arugay, Juvenal Azurin, Archivald Raniel, Emerson Ro­sales, Adrian Alvarino, Archie Grande, Joel Plaza, Ryan Quisai, Jeoffrey Tacio, Jigger Mon­tallana, Bryan Babang, Jeffrey Bangsa, Mark Damaso, Ronald Allan Ricardo at IO II Samsudin Lintongan. Sinabi ni PDEA Undersecretary Di­rector General Dionisio Santiago Jr. na pawang na “honorably discharged” na sa Armed Forces of the Philippines ang mga dating sundalo at binigyan na ng clearance ng Malacañang.

Sinabi ni Navales na masaya sila dahil sa may kumupkop sa kanila matapos na ma-discharge.  Marami umanong nag-aalok sa kanila ng trabaho sa gobyerno lalo na sa pribado na mas malalaki ang suweldo ngunit tinanggihan nila dahil sa nais pa rin nilang makapagserbisyo sa bayan at maibahagi ang kanilang ideya­lismo sa pagsugpo sa iligal na droga.

“Masaya kami, at least nang ma-discharge kami may kumupkop sa amin.  Dati, kalaban namin tero­rista, ngayon ay durugista na,” ayon kay Navales. (Danilo Garcia)

ADRIAN ALVARINO

ARCHIE GRANDE

ARCHIVALD RANIEL

ARMED FORCES

BRYAN BABANG

DANILO GARCIA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EMERSON RO

GENERAL DIONISIO SANTIAGO JR.

JEFFREY BANGSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with