^

Metro

Estudyante kritikal sa ligaw na bala

-

Kritikal  sa pagamutan ang isang 20-anyos na es­tudyante matapos maha­gip ng ligaw na bala mula sa isang hindi nakikilalang lalaking nagpaputok ng baril sa gitna ng naganap na rambulan, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Agaw-buhay na dinala sa Manila Central Univer­sity (MCU) Hospital sanhi ng tinamong isang tama ng bala mula sa hindi  batid na kalibre ng baril sa kanyang noo ang biktmang si Jhon Rotsen Sangilan Jr. ng 198 7th St., 9th Avenue ng na­banggit na lungsod.  Batay sa ulat, dakong alas-7 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng 7th St., 9th Avenue, Brgy. 104, Caloocan City.

Nabatid na kasaluku­yang nakatayo ang biktima kasama ang mga ba­rangay tanod na sina Ro­meo Clor at Ryan Salazar habang pi­nanonood ang kagulu­hang nagaganap sa kalapit na Brgy. 103 nang biglang uma­lingawngaw ang isang malakas na pu­tok ng baril. Duguang hu­mandu­say ang biktima sa kalsada na may tama ng bala sa kanyang noo na aga­rang isinugod sa na­sabing ospital kung saan nasa maselang kala­gayan pa rin. Samantala, hang­gang sa isinusulat ang ba­litang ito ay patuloy pa ang isi­na­sa­gawang imbestigas­yon ng awtoridad hinggil sa na­sa­bing insidente upang ala­­min kung sino ang po­sib­leng nagpaputok ng baril na naging dahilan upang mata­maan ang bik­tima at mala­gay sa peligro ang buhay nito. (Rose Tamayo-Tesoro)

AGAW

BATAY

BRGY

CALOOCAN CITY

JHON ROTSEN SANGILAN JR.

MANILA CENTRAL UNIVER

ROSE TAMAYO-TESORO

RYAN SALAZAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with