^

Metro

Nanita sa maingay, tinodas

-

Patay ang isang salesman nang pag­tu­lungang saksakin ng tatlong nag-iinu­ mang suspek na sinita ng una dahil sa ingay ng kanilang videoke kamakalawa sa Quezon City.

Hindi na umabot ng buhay sa Fairview General Hospital ang biktimang nakilalang si Rodolfo Tajan, 30, ng Don Vicente Hilltop Compound, Brgy. Bagong Sila­nganan, ng naturang lungsod. Ares­tado naman ang isa sa mga sus­pek na nakilalang si Rock Dichosa, 27, habang pinaghahanap na­man ang dala­wang naka­takas na kasama­han na sina Julius dela Cruz at Manuel Estrevillo, kapwa residente ng Payatas-A, ng natu­rang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang in­si­dente dakong alas-8:30 ng gabi sa Brgy. San Vicente, ng naturang lungsod. Nagka­ka­si­yahan sa inuman at pag­kanta sa video­ke ang mga suspek nang lumapit sa um­ pukan si Tajan at sinita ang labis na ingay ng grupo.  Nagalit ang suspek na si Dichosa hanggang isang ma­initang pag­tatalo ang sumiklab. Nauwi ang komos­yon sa suntu­kan sa pagitan nina Tajan at Dichosa ngunit dahil sa nakainom ang huli ay naagrabyado ito. Dito sina­sabing tumu­long ang dalawa pang suspek hanggang sa saksakin ng mga ito ang biktima. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BAGONG SILA

BRGY

DANILO GARCIA

DICHOSA

DON VICENTE HILLTOP COMPOUND

FAIRVIEW GENERAL HOSPITAL

MANUEL ESTREVILLO

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with