^

Metro

16 bahay sinunog ng adik

- Ni Grace Dela Cruz -

Bukod  sa kinaka­ha­rap nitong kaso ay bug­bog-sarado pa sa taumbayan ang isang 35-anyos na adik  ma­tapos na sunugin ang kanyang bahay at na­damay pa ang may labin­limang ka­bahayan sa Tondo, May­nila ka­hapon ng madaling-araw.

Isinampa ang kasong des­tructive arson sa City Prosecutor’s Office laban sa suspek na si Valmon Ti­mo­teo, pedicab driver, ng #842 Fullon St., Dagupan, Tondo.

Sa report ni SFO2 Wil­son Tana, Arson In­ves­ti­gator, dakong alas-3:48 ng ma­daling-araw nang mag­si­mula ang su­nog sa ikala­wang pala­pag ng bahay ni Timoteo.

Nauna rito, nakita uma­no ng ilang residente na pu­masok si Timoteo sa kan­yang bahay at nag­sindi ng kandila hanggang sa iwa­nan nito. Ilang sandali pa ay  napuno ng usok ang kan­­yang bahay at lumaki ang apoy hanggang sa guma­pang sa kalapit na ka­bahayan.  

Tinangka umano ni Ti­moteo na tumakas subalit kinuyog ito ng taumbayan na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto.

Ayon kay Tana, kinum­pirma umano ng kanyang mga kamag-anak na ma­tagal nang plano ng sus­pek na sunugin ang ka­nilang bahay at marami na ring ulit na nagbabanta itong manu­nunog.

Dagdag pa ni Tana na matagal na umano ang alitan ng suspek at kan­yang mga kasambahay dahil sa gusto umanong angkinin ng huli ang na­turang bahay.

Bago naganap ang pa­nununog, galing umano sa inuman ang suspek kung saan pista sa natu­rang lugar. 

Dakong alas- 4:52 ng madaling-araw nang idek­larang fire-out na umabot sa 5th alarm. Tinatayang ma­higit sa P1 milyon ang na­ging pinsala ng sunog.

vuukle comment

ARSON IN

CITY PROSECUTOR

FULLON ST.

SHY

TIMOTEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with