^

Metro

Akyat-bahay nasakote

-

Isang hinihinalang mi­yembro ng akyat-bahay gang ang nadakip at   nakatakas naman ang isa nitong kasamahan mata­pos ang maikling habulan kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Sa kulungan na nag­papagaling ng mga bukol at pasa ang suspek na kinilalang si Charlie Yao “alyas Chacha”, 27, bi­nata, residente ng # 21 Miracle St.. Bagong Barrio ng nabanggit na lung­sod. Pinaghahanap na­man ang kasama nitong si Anthony Maninang.

Ayon sa ulat, naga­nap ang panloloob sa bahay ni Nellie Capricho, 52, residente ng # 260 North Diversion Road, Bagong Barrio dakong alas-5:30 ng umaga.

Nabatid na sinira  ng mga suspek ang kanda­do ng pintuan ng bahay ng biktima at ng nasa loob na, ay mabilis na tina­ngay ang isang t.v. set na nag­kakahalaga ng P12,000, isang sakong bigas, at cash money na umaabot sa halagang P22,00 at saka mabilis na tumakas sakay ng isang naka­abang na tricycle.

Dahil sa mabilis na pagpapatakbo ng mga ito ay kaagad na nasita ng mga barangay tanod ang tricycle subalit tinangka ng mga ito na lampasan  at ng parahin ay nakita sa mga ito ang mga kaga­mi­tang nakulimbat. (Lordeth Bonilla)

ANTHONY MANINANG

BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

CHARLIE YAO

LORDETH BONILLA

MIRACLE ST.

NELLIE CAPRICHO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with