Most wanted sa Maynila, timbog

Naaresto ng mga ope­ra­tiba ng Manila Police District (MPD) ang isa sa tinaguriang most wanted ng Maynila na sangkot sa kasong murder at pagnanakaw ng kuryente. Kinilala ang suspek na si Edgar Reifero, alyas Tambobo na kasalukuyang nakapiit sa MPD station 11.  

Ayon sa ulat,  si Riefero ay wanted dahil sa dalawang kaso ng murder at umano’y siya ring mastermind sa na­ka­wan ng kuryente sa ka­nilang lugar simula pa noong dekada 80.

Matagal na umanong pi­nag­hahanap ng mga awto­ridad ang suspek subalit na­aktuhan lamang nila ito ka­ma­kalawa ng hapon habang nasa aktong nagkakabit ng ilegal na kuryente sa Parola com­pound kasama ang isang Arsenio Cuizon.

Bukod dito, sinabi ng pulisya na hina­hunting din si Riefero na isa ring miyembro ng Waray-Waray robbery gang ng Manila Electric Com­pany dahil sa pagnanakaw ng kuryente. Mariin namang pina­bulaanan ng suspek na may­roon siyang kasong murder subalit inamin nito na nagna­nakaw sila ng kuryente sa Meralco. Kasalu­kuyang naka­piit ang mga suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanila. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments