Kelot inatado sa Tondo

Patay na at   nakahan­dusay sa semento nang ma­kita  ang  isang di-kila­lang lalaki matapos na   ata­duhin ng saksak sa noo at leeg ng hindi pa naki­kilalang salarin sa Parola Cmpd., Tondo, Manila ka­hapon ng madaling-araw. Inilarawan ang biktima na nasa gulang na 22-27, payat ang pangangata­wan, may taas na 5’5’’, may nunal sa talukap ng mata at pisngi at nakasuot ng gray shirt at asul na pan­talon. Ayon sa imbesti­gas­yon, natagpuan ang bik­tima  dakong alas- 2:15 ng madaling-araw sa may ha­rapan ng Delpan Fly Over sa harap ng Phil. Port Authority (PPA) Parola Cmpd., Tondo Manila. Nag­tamo ng mga saksak ang biktima sa kanyang noo at kaliwang dibdib. Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya kung sino ang po­sibleng may gawa sa krimen. (Grace Amargo dela Cruz)

Show comments