Dahil sa tingin, binata tinodas

Pinagtulungang pag­sa­saksakin ng kanyang mga kaaway ang isang 21-anyos na binata  nang dahil lamang sa ma­samang tingin sa Pan­dacan, Maynila kama­kalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa  Philippine General Hos­pital ang biktimang si Mark Anthony Cabural, 21, binata, residente ng #2614 Jesus St., Pan­dacan Manila sanhi ng mga  saksak sa katawan. Mabilis namang naka­takas ang dalawang sus­pek na sina Marlon Do­minguez, 25, at si Herald Santallian, 30, na kapwa residente ang dalawa.

Batay sa isinaga­wang imbestigasyon,  na­ganap ang insidente dakong alas-11:20 ng gabi sa pa­nulukan ng Zamora St. at P. Quirino Ave., Pan­da­can, Manila.

Na­batid na kumakain ang biktima  ng balut sa lugar ng P. Quirino nang na­padaan ang dalawang suspek.

Napatingin ang bik­tima sa dalawa na mi­na­sama naman ng mga ito. Bunsod nito’y hina­mon umano ng away ni Do­minguez ang biktima hanggang pagtulungan na ito ng dalawa na unda­yan ng mga saksak sa kata­wan na agad nitong ikina­matay. Pinag­haha­nap na ngayon ng pu­lisya ang dalawang suspek. (Grace dela Cruz)

Show comments