Ginang pumalag sa holdap, kritikal

Kritikal  ang kalagayan ng isang 27-anyos na ginang ma­ka­­raang ito ay barilin sa leeg ng isang holdaper sa Malate, Manila kamakalawa ng gabi.

Mabilis namang naisugod sa Philippine General Hos­pital ng kanyang driver na si Lad Ceazar, 30,  ang  bikti­mang si Ruth Agliones, 27, ng B 3 L l2 Marta Garden, Las Piñas City sanhi ng tama ng  baril sa leeg.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya naganap ang pang­ho­ holdap dakong alas-9:30 ng gabi habang ang biktima ay naka­upo sa harapang upuan ng sasakyan na naka­parada sa P. Quirino Avenue cor. San Mar­celino St., Malate, Manila nang biglang lapitan  ng hol­daper at hab­lutin ang kanyang cellpone na gamit. Nanlaban pa ang bik­tima dahilan upang paputu­kan ito sa leeg ng suspect na ma­bilis na tumakas matapos ang insi­dente. (Grace dela Cruz)

Show comments