Halos hindi na makilala ang isang 18-anyos na truck helper matapos na mabasag ang bungo nito nang maipit sa bulto ng feeds makaraang maatrasan ng sine senyasang truck sa Port Area, Manila, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the spot ang biktimang si Aries Gallarte, ng Papaya, Gen. Tinio, Nueva Ecija sanhi ng pagkakaipit ng katawan nito sa truck. Habang ang driver na si Reynante Reyes, 35, ng Pascual Trading at residente ng Papaya, Gen. Tinio, Nueva Ecija ay sumuko naman sa pulisya.
Batay sa ulat, dakong alas- 11:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bodega ng Walker Manager Corp., Port Area, Manila. Sumesenyas ang biktima habang inaatras ni Reyes ang minamaneho nitong tractor head na may plakang RCL 58 at may hilang trailer truck (CUR 318) na may kargang mga sako ng feeds subalit hindi napansin ng driver na malapit na ito sa gilid hanggang sa maatrasan nito ang biktima at maipit ang katawan sa likurang bahagi ng truck at sa mga sako ng feeds na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan. (Grace dela Cruz)