Biyudo nanghalay

Kalaboso ang isang 45-anyos na biyudo matapos ireklamo ng panggagahasa sa isang menor-de-edad kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Kasong rape ang isasampa laban sa suspek na si Rolando Bacani, alyas Olan, walang trabaho, ng #2638 Lico St., Tondo dahil sa reklamo ng biktima na itinago sa pangalang “Joan”, 14-anyos, 2nd year high school.

Ilang beses umanong minolestiya ng suspek ang biktima na nagsimula noong Disyembre 19, 2007 ng madaling-araw. nasundan ito noong Abril 22, 2008 ng alas-11 ng gabi at ang huli ay kahapon ng madaling-araw sa loob ng kanilang tinu­tuluyang bahay.

Nabatid na nakatira ang suspek sa bahay ng biktima dahil ka-live-in nito ang lola ng huli.  (Grace Amargo-dela Cruz)

Show comments