Krisis sa droga umariba
Dumaranas na rin ng krisis sa droga ang mga kilabot na drug addict sa bansa, partikular na sa mga commercial district nito sa Metro
Ito ang kinumpirma kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency kaugnay ng patuloy nilang pagkakabuwag sa mga laboratoryo ng shabu, bodega at iba pang imbakan sa isinasagawang serye ng operasyon ng kanilang mga operatiba.
Sinabi ni PDEA Spokesman Derrick Carreon na patunay ng dinaranas na ring krisis sa droga, partikular na ang shabu ay kakarampot na gramo lamang ang kanilang nakukumpiska sa mga raid sa mga kilalang ‘drug haven’ at mga komersyal nitong distrito sa National Capital Region.
Kadalasan pa umano ay hinahaluan ang shabu ng tawas, snowbear na kendi o kaya naman ay Albatross o isang uri ng kemikal na ginagamit na pampabango sa comfort room.
Dahil umano sa kakaunti ang suplay ng shabu ay tumataas na rin ang presyo nito sa bentahan ng mga supplier ng droga. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending