^

Metro

Lola todas sa bumagsak na pader

-

Isang 62-anyos na lola ang kagyat na binawian ng buhay matapos mabagsa­kan ng pader ng isang gusali na ina­ayos sa tapat ng ka­nilang bahay sa Sta. Cruz, Manila kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Chi­nese General Hospital ang bik­timang si Sofia  Sar­miento, may-asawa, ng #2330 F. Ipil St., Old Antipolo Sta. Cruz, Maynila.

Isasailalim naman sa im­bestigasyon si Robert Morco, kapitbahay ng bik­tima, kung may panana­gutan ito sa pag­ka­matay ng biktima.

Sa report ni Det. Steve Casimiro ng Manila Polcie Dis­trict (MPD)-Homicide Sec­­tion, dakong alas-9:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima.

Nabatid na naghihiwa ng sibuyas ang biktima para ihanda ang iluluto sa pa­nang­halian nang biglang lumaga­pak sa kanyang ulo ang da­lawang tipak ng se­mento mula sa ika-4 na palapag ng bahay ni Morco na kasalukuyang nasa  renovation.

Wala nang nagawa ang mga doktor nang isugod ni Ronaldo, anak ng biktima, ang ina dahil hindi na umano ito humihinga. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

CRUZ

GENERAL HOSPITAL

HOMICIDE SEC

IPIL ST.

LUDY BERMUDO

MANILA POLCIE DIS

OLD ANTIPOLO STA

ROBERT MORCO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with