^

Metro

4 na miyembro ng ‘Donut Gang’ timbog

-

Arestado ang apat na miyembro ng kilabot na “Donut Gang” matapos na maaktuhan ang mga itong ninanakaw ang gulong ng isang nakaparadang sasakyan sa isang mall kamakalawa ng gabi sa Pasig City.

Kinilala ni  Eastern Police District (EPD) Director chief Supt. Leon Nilo Dela Cruz ang mga naarestong suspek na sina Ritchie De Leon 32, Edgar Lagman 32, Arnold Galang 31, at Enrico Delo Santos 49, pawang mga re­sidente ng Tondo, Maynila.

Nabatid na naaktuhan ng mga rumespondeng pulisya ang mga suspect habang binabaklas  ang mga gulong sa Toyota Fortuner na pag- aari ng isang Stephen Adalid sa parking area 5 ng isang kilalang mall na matatagpuan sa kahabaan ng Marcos Hi -way dakong alas -7;00 ng gabi. Napag-alaman na   marami na ang nanakaw na gulong ng mga ito mula sa ibang mga sasakyan makara­ang masiyasat ang dala nilang Toyota Tamaraw na puno na ng mga gulong ng ibat-ibang sasakyan.

Inamin naman ng mga suspek na ang apat na gulong na nakalagay sa likuran ng kanilang FX ay kanilang ninakaw sa iba’t ibang mga sasakyan sa ibat-ibang mga malls.

Bukod sa mga nakaw na gulong, nakuha din sa sasakyan ng mga suspek ang 3 open wrench, isang bareta de kabra, vault cutter at 2 tire wrench na kanilang ginagamit sa kanilang operasyon.

Pinarangalan din ni Dela Cruz ang security guards ng mall na sina Christopher Sta. Ana, Pierra Paner, at Leticia Dabiho na siyang tumawag sa himpilan ng pulisya matapos na maghinala sa kilos ng mga suspek. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ARNOLD GALANG

CHRISTOPHER STA

DELA CRUZ

DONUT GANG

EASTERN POLICE DISTRICT

EDGAR LAGMAN

EDWIN BALASA

ENRICO DELO SANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with